December 24. Pabalik na kami dapat sa Manila. Pero dahil that day lang nag-clear ang sky, nag-decide kami na mag-extend at bisitahin ang isa pa sa three major islands ng Batanes – Sabtang. Hindi na kasi namin alam kung kailan pa kami mapapadpad sa lugar na ito kaya nilubos na namin. Actually, the other day pa kami dapat nakapunta doon kung maayos lang ang panahon. Pero dahil Batanes has rainy-windy the whole year, affected ang biyahe ng boats na tatawid sa Sabtang.
Kahit maaliwalas na ang langit, hindi pa rin kalmado ang dagat. Maalog ang bangka. Naglabasan tuloy ang pawis at kinain ni Pea. Sobrang naawa ako sa kanya. Pagdating sa daungan ng Sabtang, nag-instant noodles muna kami sa isang sari-sari store. Medyo nakatulong kasi ang mainit na sabaw noong inatake siya ng motion sickness matapos ang hindi magandang pag-landing ng plane. After humigop ng sabaw, humilata muna siya sa gilid ng isang classroom. Ang classroom ay katapat ng San Vicente Ferrer church.
Ang simbahan ay katabi ng himpilan ng pulis. Dahil sa small town setting na ito, naging madali ang magtanong kung saan makakakuha ng sasakyan to go around the island. Nakakuha kami ng habal-habal. Dinala kami nito sa Chavayan. Along the way, maraming cliff-overlooking-the-sea landscape ang madaraanan mo.
Ang town ng Chavayan ay pwedeng ideclare na world heritage area. Ang daming well preserved Ivatan houses sa community na ito. Ang friendly pa ng mga kids na bigla na lang nagmano sa amin.
Hindi pa rin fully recovered si Pea kaya we checked in na sa five star hotel ng island, ang National School of Fisheries model house para sa Home Economics class. Ingenious ang beds dahil kapag tinanggal ang foam, pwede na rin itong low picnic table. Hindi rin matatawaran ang sheets na moon and stars ang prints. Walang aircon or fan , pero presko. Iniwan ko na muna siya dito para makapagpahinga. Dapat siguro sa next trip namin ay kasama sa schedule ang recovery period from motion sickness.
Hindi rin pinalampas ang postcard perfect na Nakavuyang Arc sa Morong. Ang beach sa area na ito ay simply pristine. Sa shores kasi ng Batan, may mga kalat na made in Taiwan.
May mga malalayo pang municipalities na pwedeng puntahan, pero dahil puro old Ivatan houses and cliffs overlooking the sea din ang attractions, umuwi na lang ako.
Nang magising si Pea, we had our first Noche Buena (read Noche Buena).
Patapos na ang panunuluyan nang dumating ako sa church. May special effects sa last scene. Ang parol na korteng shooting star ay nag-travel mula sa balcony papuntang altar. Pagdating sa tuktok ng belen, sinindihan ang paputok na fountain sa loob ng simbahan. Natilansikan ang buntot ng shooting star at nagliyab ito. Alert naman ang isang guy sa gilid ng belen. Pinatay niya ang apoy sa pamamagitan ng mahabang patpat. Hindi naman nag-panic ang mga tao. Tuloy ang misa.
The following day ay maaga kami sa pier to catch the first trip back to Batan. Christmas day ito. Ilang oras din kaming naghintay. May dumating na boat pero hindi pa sila agad aalis. Magsisimba daw muna sila. Nagsimba na rin kami ni Pea. Namangha ako sa misa kasi it was delivered in four languages (English, Tagalog, Ivatan, at ‘yung benediction ay Latin) at officiated by no less than the Bishop of Batanes. At dahil dito, very special ang first mass at first Christmas day namin ni Pea.
Pagbalik sa Batanes Resort, pahinga muna kami kasi hilo ulit si Pea sa boat ride. Around lunch time ay nakigulo kami sa town at na-witness namin ang ibang uri ng caroling. May mga naka-choir gowns na dala-dala ang image ng baby jesus at nananapatan sila. Buhay na buhay din ang pamamasko sa mga kamag-anak. Minsan nga ay isang jeep ang humihinto sa tapat ng isang bahay para mamasko. We had late lunch sa Cucina El Ivatan. Nagpasalamat at nagpaalam na rin kami kay JP after eating.
We walked back to the resort. It is always a joy to walk with Pea. We talk a lot kasi while walking. We also laugh a lot while walking. We even make okray while walking. Just like the trips we take, walking brings us closer to each other. Thanks for walking with me, Pea. And thanks for a very memorable Christmas in Batanes.
To Genes, Roger, Galarion family, JP, and Mrs. Ramos and family, as Ivatans would put it, Dios Mamajes (may God repay you for your kindness).